top of page

"Bakwit"

"Bakwit"

Anne Margarette C. Ramos

7-Campos


Nakapanlulumong isipin na hanggang ngayon ay digmaan pa rin ang eksena sa Marawi. Gusto ko mang tumulong, ngunit ako'y isang musmos pa lamang at bilang isang manunulat ay dito ko na lamang ipahihiwatig ang aking saloobin sa kanila.


Laking pasalamat ko na mayroong mabuting loob na tumutulong sa kanila. Dahil batid natin na kapatid natin sila bilang Pilipino, iba man ang relihiyon nila.


Di kanais-nais ang kanilang kondisyon sa Marawi. Pati mga walang kamuang-muang na sanggol o kabataan ay nadadamay. Hindi magiging maganda ang epekto ng mga pangyayaring ito sa mga kabataan, maaaring magdulot ito ng trauma sa kanila. Pwede rin silang makakuha ng sakit dulot ng madilim na nakaraan.


Nakakalungkot na nakakainis isipin ang mga ganitong pangyayari. Pananaw ko'y di naman dapat nila itong nararanasan, dahil una sa lahat ay wala namang kasalanan ang mga Maranao. Nagbabakas ito ng masalimuot na ala-ala. Tila parang isang bangungot ang pinapasok nila na tila parang pilit na gumigising ngunit di nila magawa.


Buti na lamang ay nariyan ang mga sundalong ipinadala ng ating mahal na pangulo. Unti-unti na nilang nalulutas ang mga problema. Wika nga nila'y hindi na isang Maute Group ang kanilang kasagupaan kundi ISIS na. Pagkalooban nawa sila ng maykapal ng sapat na lakas at tapang upang tapusin ang laban ng may kapalit na kalayaan.


"Pagsakop ng Maute" by Zhoren Paulo M. Aragon, 7-Campos

bottom of page