top of page

"Sulong Kalusugan"

"Sulong Kalusugan"

Jean Mae T. Salazar

8-Darwin



Kalusugan??? Ang kalusugan ang isa sa mga pangangailangan ng mga to para magkaroon ng magandang kinabukasan o buhay. Anong konek??? Tss!! Simple lang, kapag ang mamamayan ay mayroong mabuting kalusugan ay magagawa natin ng maayos ang ating trabaho. Sa pagtatrabaho, kailangan ng ating katawan ng iba't ibang uri ng sustansya para hindi tayo magkaroon ng "absent". Kapag ito ay nangyari, ang ating sweldo ay magiging kumpleto at kapag ito ay kumpleto mas malaki ang perang makukuha natin na maaari nating magamit pangtustos sa ating mga pangangailangan. Isa pang halimbawa, ang kalusugan ay nagbibigay sa atin ng mga "happy memories" dahil kapag malusog ay marami kang magagawang "memories" kasama ang mga mahal natin sa buhay. Kaya naman noong nakaraang Lunes ay gumawa ang mga Bernardians ng mga "happy memories" kasama ang kanilang mga "adviser" at kapwa mag-aaral sa pagdiriwang ng "Nutrition Month" sa BC Gymnasium. Nakikiisa ang Bernardo College sa pagdiriwang ng "Nutrition Month" at may mga hinandang patimpalak para sa mga mag-aaral ng Grade 7,8,9,10 at Senior High. At ang lahat ng mga mag-aaral ay nakiisa upang magkaroon ng "representative" ang kani-kanilang pangkat.


Ang unang patimpalak ay "Slogan Making", sa patimpalak na ito ay kailangan mong isulat ang kasabihan na may kaugnayan sa temang ito "Healthy Diet Gawing Habit for Life". Pangalawa, gumawa ang mga estudyante ng mga malilikhaing kasabihan na may magandang sulat at kahulugan sa isang malinis na 1/8 illustration board. Ang sumunod at ikatlong patimpalak ay ang paggawa ng "healthy fruit shake at healthy sandwich". Ang layunin nito ay dapat gumawa ang mga estudyante ng sulit, masarap, madali, at masustansyang pagkain at inumin. Ang pang-apat na patimpalak ay tinatawag na "Cake-a-ture" kung saan kailangan gumawa ng cake na ang tanging gagamitin pang desenyo ay ang mga masusutansyang prutas at gulay. Ang ika-huling patimpalak ay tinatawag na "Minute to win it" kung saan ang layunin nito ay mag unahan ang mga grade 7,8,9, at 10 upang pumili ng tamang sagot. May mga nagtakbuhan, nadapa, bumaliktad at iba pa pero sa huli ay isang mag-aaral mula sa ika-walong baitang pangkat Darwin ang nagwagi. Lahat ng mga masasayang patimpalak na ito at naganap noong Hulyo 31, 2017.


Ang tanging layunin ng selebrasyong ito ay ang gumawa ng hindi nakakabutas bulsang pagkain, mabilis gawin, "ready to serve", pasok sa panlasa ng tao, at higit sa lahat masustansya. Isa pang layunin nito ay para malaman ang mga bitamina at iba pa na kailangan ng ating katawan. Pero paalala ko lang, hindi porke "Nutrition Month" ay tanging pagkain lamang ang pinaguusapan. Ito rin ay tumutukoy sa pangangailangan natin upang maging malusog ang ating pangangatawan. Ang pag-eehersisyo ay kailangan natin upang mapanatili ang mabuting kalusugan at pangangatawan. Bigyan pansin din natin ang ating kapaligiran dahil isa rin ito sa susi sa magandang pangangatawan at kalusugan.


Sulong Kalusugan!

"Sulong Kalusugan" by Arlley Navarro, 7-Celsius

bottom of page